Making Your Bank Savings Earn Extra Income To Become a Millionaire

activate-earning-potential

Most Pinoys are pretty well known na marunong sa kahit anong trabaho na available na mapasukan dito sa France. Hindi lamang mahusay kundi higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan. Ito ang mga dahilan kung bakit mas mataas ang binabayaran sa atin kaysa ibang mga lahi.

But despite of that, most of us are NOT known as good savers, much more as an investor. Gaano man kalaki ang kinikita natin ay nauubos at patuloy na namumuhay on a check to check basis. Sa karamihan namang nakakapag-ipon, nandoon lang nakalagak sa isang savings deposit kung saan ay maaring kumita ng napakaliit na halaga taon-taon. Ang hindi natin nalalaman ay ang value ng ating pera ay natatalo lamang ng inflation kung nasa savings account lang.

Did you that your savings account in the bank can only earn 1-2% a year? And did you know that the same money is being lent to other people and the bank earns 10% or more a year? If you will withdraw your money, you will still pay for a charge to get it? They may even tell you to come back in few days to make ready for your withdrawals. Yes, that right. Kukunin mo na nga lang ang pera mo, magbabayad ka pa.

The good thing kapag nandito ka sa abroad, at inilagay mo ang pera mo sa isang bank sa Pinas, hindi mo basta-basta makukuha ang pera. Talagang makakapag-ipon ka. Pero dahil sa liit ng kita, baka mamaya, mas malaki pa ang charges sa pag-keep mo ng account mo kaysa sa kinikita ng pera mo.

Here’s my suggestion para makinabang ka lalo sa iyong saving na ginagawa mo. Kung ikaw ay mayroong account sa PNB o BPI, I know na pwede kang makapag-activate ng possibility to open up higher potential of earning gaya ng UITF at Mutual Fund. You can activate this feature by simply filling up a form online. Ito lang dalawang bangko ang nabanggit ko dahil ito ay base sa experience ko sa mga bangko na may remittance service dito sa Paris, France.

Maaring sa BDO ay mayroon ding kagaya nito. UITF at Mutual Fund lang din ang aking binanggit na investment instrument. Dahil tayo ay nagtatrabaho, mas maigi na ang pera natin na iyi-invest sa UITF o Mutual Fund kung saan ibang tao ang nagma-manage kaysa nasa savings account lamang. At dahil may naga-asikaso sa ating investments, pagbutihin din naman pa ang pagtatrabaho para lalo pang mapalaki ang ating kinikita at nang sa ganoon ay mas malaki pa ang maiyi-invest natin. Bawat halaga na mailalagay natin sa investment ay tumutulong na kumita rin ng pera. At kung maging ang kinikita ng pera ay anak lang ng anak, mas lalo pang malaki ang potential na lalago ito pagkalipas ng mga taon.

Para saan naman iyang iyi-invest natin? Mas maigi na ito ay ilaan natin sa retirement fund natin para sa panahong hindi na tayo pwedeng makapagtrabaho. Habang mas maagang magsimula, mas mahaba ang panahon na magawa natin ang regular na pagi-ipon at pag-invest; lalo namang mas maganda ang resulta.

Ang paghahanda sa ating retirement years ay maganda para sa ating sarili at hindi natin dapat iasa sa ating mga anak o kapatid ang ating magiging kalagayan pagdating ng panahon.

Kaya dapat makapagsimula na; at ang tamang panahon ay NGAYON na. Simulan ang pagbabago sa ating sarili.

Ikaw, paano mo isini-save ang iyong mga extra income from doing your part time business? Please comment below to share what you are doing. Baka makatulong din sa iba.

Also, check out the results of what I’m doing with my Journey To Become a Millionaire para baka sakaling magkaroon ka rin ng idea to get started with your journey to your financial freedom. You can also leave your comment or contact me to discuss further kung paano ka makakapag-start sa iyong “journey.”

Here’s to your success in reaching your first million peso with your UITF or Mutual Fund!

JUN PASION – Online Entrepreneur

Connect with Jun Pasion: Facebook Page | Send E-mail | Mobile: +33 6 5009 3916

leave-your-comments

Leave A Response

* Denotes Required Field