What Do We Expect During the Payday?
Katapusan na naman ba ng buwan? Most of us are happy kapag dumarating ang katapusan ng buwan. Like most of us, matatanggap na natin ang ating ating sahod na mula sa ating pagpapagal ng isang buwan. Kahit papaano, mahahawakan din natin kahit ilang araw man lang ang ating pinaghirapan.
Again, if you are like most of us, sa unang linggo pa lamang, ang halagang ating kinita ay nahati-hati na sa mga bayarin gaya ng bahay, allowance sa pagkain, kuryente, telepono at iba pa. Pagka-minsan naman ay nagagawa rin nating i-treat ang ating sarili o kaya ang pamilya. Kahit isang beses man lang sa isang buwan ay mabigyan natin ng kasiyahan ang ating sarili at ng ating sambahayan.
Ang iba sa atin, maaring kagaya nang panahong ako ay lubog sa aking financials due to mishandling of my resources, bago pa mahawakan ang sahod ay nagastos na. Ibig sabihin, abunado na naman dahil siguradong may charges ang “decouvert”. Bagama’t napapautangan ka ng bangko, malaki naman ang interest at penalty na itatapal sa iyo. Lalo lang lumalaki ang expenses dahil sa mga penalties.
Most of us tend to spend all if not more than what we earn. Kung may maiwan, saka lang magkakaroon ng nai-save. Kung wala naman, maghintay ulit sa susunod na sahod.
We really need to reverse this kind of situation.
Sa aking aklat na On The Way To Financial Recovery, na-discuss ko ang isang mabisang paraan kung paano makakapag-ipon ng paunti-unti. Ito ay ang tinatawag na 10, 10, 10 and 70 formula. Ang unang 10 ay para sa spiritual, ang ikalawang 10 ay para sa pagbabayad ko ng utang at ang huling 10 ay pupunta sa aking investment para retirement fund. Iyong maiiwan na 70 ay ang gagastusin sa anumang kailangan. Kaya naipagpapauna ang para sa savings kaysa expenses. Sa ganitong paraan, mayroong mailalaan sa pangangailangan sa panghinaharap na panahon kung kailan na hindi na tayo makapagtrabaho. Gaano man kaliit ang halagang nailalagay sa tabi at kumikita, mapapalaki mo ang halagang ito.
It’s not how much we earn from our job, it’s how much we save and put to work that makes the difference for our financial future.
Kung naabot mo ang puntong ito sa iyong pagbabasa, I wish you a HAPPY PAYDAY!
The Weekend Online Marketer
Connect with Jun Pasion: Facebook Page | Send E-mail | Mobile: +33 6 5009 3916
PS:
Share and comment below kung ano ang nasa isip mo ngayong mahahawakan mo na naman ang sahod mo.
Check out my book On The Way To Financial Recovery on Amazon!