My Heroes – Mothers Working Abroad

ofw-mothers

I consider the OFW mothers as my heroes. Mga tatay, tabi-tabi muna.

Naaalala ko palagi noong nag-abroad ang mother ko. Nasa high school kami noon ng sister ko. Ang kuya ko ay nasa college naman. Dalawa pang sisters ang nasa elementary. Napilitan mag-abroad ang aking ina dahil gustong kumita para matustusan ang aming mga paga-aral. Hindi alintana ang lungkot, maigapang lang na makatapos ang kanilang mga anak sa paga-aral. That was one of my inspirations na kahit hindi ko gaanong gusto ang Civil Engineering, sinikap kong makatapos para sa kaniya.

Why not the fathers? Kasi obligasyon ng isang ama ang maghanapbuhay para sa pamilya. Nauso na lamang na magtrabaho ang isang ina dahil sa kakulangan ng kita para sa pamilya. Kaya I give more points to the mothers in this respect.

Marami tayong mga kababayan na mga ina na nandito sa Paris. Sa tuwing makakakilala ako ng isang ina na iniwan ang pamilya nila, lagi kong naalala ang aking ina. Hindi ko man masabi sa kanila kung gaano ako humahanga sa kanilang pagsisikap at sakripisyo para sa kanilang mga anak, I give high regards and respect. Mahirap man ang kalagayan, handa silang magdanas ng lungkot para kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya sa mga nanay na nandito sa Paris at abroad na iniwan ang kanilang mga anak sa Pinas, cheers po sa inyo!

Leave A Response

* Denotes Required Field