How to Get an Increase on Your Income

increase-income

increase-income

Ngayong may trabaho ka na, ano ang mga paraan na maaari mong maisagawa para maragdagan ang iyong income?

Karamihan sa atin, kapag nais nating magkaroon ng salary hike or increase, dinadala ang demand sa lansangan. Dito sa France, malimit nating ma-experience ang slow circulation ng train dahil sa “manifestation” o “strike” ng mga empleyado. Maging sa mga medical professions at sa paliparan ay nangyayari din. As of this writing naman ay manifestation ng mga labor workers ng mga gasolinahan. Sa pagnanais na madagdagan ang kinikita or benefits, dinadaan ang demands sa pamamagitan ng pagma-manifesta. That would be good dahil workers can bring home more money on the table, subalit ang pagtaas ng kinikita sa ganyang paraan ay limited lamang. Kung baga, “centimes” lang ang pinagu-usapan, in exchange to the great disturbance na nagiging resulta ng manifestations.

Here are few effective ways that I know. Of course, it’s not limited to these.

Ask for increase to your boss
This is pretty straight forward! Punta ka lang sa amo mo, then mag-demand ka ng salary increase. You have to back up your demand ng mga bagay na nagawa mo ng maayos, improvements na nagagawa mo (see next section), at iba pang mga bagay. Hindi nga lang pwede na buwan-buwan ay makakapunta ka sa amo mo para humingi ng salary increase.

Check out for the other article about asking for increase.

Self-Improvement:
Isa sa mga mabisang paraan para salary increase ay ang pag-improve sa iyong sarili. Kung ikaw ay nagtratrabaho, for example sa Burger King, isang paraan ay to be always nice to the costumers and always be happy sa iyong trabaho. In no time, mapapansin ng iyong “boss” ang iyong character. Kahit hindi ka mag-demand for increase, siguradong darating sa iyo ang “promotion” or salary increase. In case na hindi maibigay ng Burger King ang salary increase, siguradong makikita mo ang income na gusto mo sa ibang kompanya kapag ang opportunity ay napakita sa iyo.

Overtime or Part-time jobs
Other way ay sa pamamagitan ng extra efforts like working overtime or working extra jobs outside your fulltime work. Iyon nga lang, ang ganyang paraan ay mangangailangan ng karagdagang oras sa pagtatrabaho. Limited din ito dahil ang maximum na oras na pwede kang mag-trabaho ay hanggang 24 oras laman kung sagad-sagarin mo.

Dollar currency in hand

Part-time Business
Maari ring makuha ang additional increase ng iyong income sa pamamagitan ng part-time business in addition sa iyong full-time job. Network Marketing ay isang paraan kung saan, sa pamamagitan ng kaunting halaga, maaari kang magsimula ng part-time business bilang karagdagan sa iyong kinikita sa iyong full-time job. Magagawa mo ang network marketing sa iyong free time during evenings, weekends and holidays. You control your time and income sa ganiyang part-time business. Kailangan mo nga lamang maging matiyaga sa simula habang pinapalaki mo ang iyong network.

Making your money work
May mga investments na maaari mong paglagyan ng iyong pera para kumita gaya ng real estate, stocks, VULs, UITFs and Mutual Funds. Kapag ang pera, lalo na kung para sa iyong future retirement (long term), nagtatrabaho ang iyong pera para sa iyong future. Gaano man kaliit sa simula, kung ang kinikita ng pera mo ay pinagtatrabaho (rollover) mo rin, mapapalaki mo ang income na pumapasok sa iyo.

So what do you think would be easier for you – to ask someone else for the increase of your income or improve yourself to create additional streams of income yourself? The choice is all up to you.

If you are interested to know more about network marketing as an additional source of income, let me know so that we can discuss the possibility of working together.

Best regards,
Jun Pasion

Comments are closed.